sabi nila
si bunso'y matalino.
pag-aaral pinagbuti,
pagsamba'y nasa puso.
sabi nila
si bunso'y mabait.
si tatay laging nasa alaala
si nanay kanyang inalagaan.
sabi nila
si bunso'y maasahan.
mga kapatid iginalang,
sa halakhak at luha kanyang dinamayan.
sabi nila
si bunso'y kinagigiliwan.
mga pamangkin kanyang kinalinga
gayundin mga batang sa paaralan sya ang hanap.
salamat sa iyo,
si bunso'y masaya.
sa piling mo
pangarap nyang buhay, kanyang sinuimulan.
lahat ng aral at leksyon
lahat ng tuwa at luha
kanyang isina-isip, isina-puso
upang sa yo lamang buong-buo inialay.
subalit buhay ay sadyang mapagbiro
ang laging tanong "bakit Diyos ko?"
masakit, makirot
walang kasing hapdi!
salamat sa yo,
patak ng luha ni bunso
mayroong madadapuan,
mayroong halaga.
salamat sa yo,
kanyang mga tanong
may mga kasagutan
sadyang ikaw lamang ang magbibigay linaw.
datapwa't ika'y mayroon ding luha,
mayroon ding tanong,
mayroon ding hapdi...
salamat sa yo,
ang iyong pagsamba at pagsusumamo
sadyang sapat na muna
sa kasalukuyan.
ang tamang panahon,
ang tamang sagot,
ikaw at si bunso lamang
ang syang tanging may karapatan.
ngayong araw ng mga tatay
para sayo, inigo
iyong pananalig, iyong pagsamba
para kay camille, ika'y dakila!
ngayong araw ng mga tatay
para sayo, inigo
iyong pananalig, iyong pagsamba
para kay camille, ika'y dakila!
No comments:
Post a Comment